Pasensya na kyle ngaun ko lang naisulat yung tagalog na blog entry makalimutin kasi akong tao at wala ako masyadong tiwala sa tagalog ko...
Ang proyekto ng Pacific Rim Parks na naganap ngayong Hulyo hanggang Augusto sa isla ng Jeju ay naging isang matinding pagsubok dahil ang trabaho na ginawa natin ay mabigat at nakakapagod ngunit ang lahat ng pagod at hirap na nanaranasan ko ay nabalanse ng saya at pakikisama na dala ng iba't ibang mga estudyante na galing sa iba't ibang bansa tulad ng Russia, America, Mexico, Japan, China at Korea. Alam ko na ang ginawa nating na liwasan ay napakahirap gawin minsan nga habang ginagawa natin ang proyekto na ito naisip ko baka hindi natin matatapos to ngunit dahil sa ating pinagsamang pagsisikap ay natapos natin ang napakagandang liwasan. Tulad ng isang kasabihan sa pilipinas ay pagasamasama ang mga tao kayang kaya gawin ang kahit ano.
Ang pagsasama natin ay naging isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko dahil nakilala ko kayong lahat. Gusto ko lang sabihin na ako ay lubos na nagpapasalamat sa pagsasama natin ng isang buwan at sa lahat ng nasaktan o naistorbo ko (lalo na sa mga nakasama ko sa kwarto na nagdusa dahil sa paghihilik ko) ako ay humihingi ng pasensya sa inyo. Sana naman sa pinagsamahan nating isang buwan na iyon napaligaya ko kayong lahat at may naitulong ako sa proyekto na ito. Ako ay nalulungkot na iwanan kayong lahat ngunit ako ay umaasa magkikita tayo muli ngunit hanggang dumating ang panahon na iyon mag ingat kayo at sana masaya kayong lahat
ang inyong kaibigang filipino
Pablo Ignacio R. Lim
-----
The Pacific Rim Park project that took place this July to August in Jeju island was a real challenge because of the grueling and tiring work. But all the hardships I went through was balanced out by the camaraderie and happiness brought by the different students from different countries such as Russia, America, Mexico, Japan, China and Korea. I know that what we did was very difficult and there was a time when we were building the park that i had my doubts but through teamwork and combined efforts we were able to make a beautiful park. this reminds me of the filipino saying that when everyone works together anything can be attained.
Our time together during the project is now one of my happiest and most treasured memories because i was able to meet you all. I just want to express my most heartfelt gratitude to everyone because of this wonderful experience. And to anyone I hurt or inconvenieced during the park (especially my roomates who had to suffer my snoring) Im very sorry. I hope that during this park i was able to give a some assistance and bring some joy to you all. Im very sad that we have to part ways but i am hoping to see you all again but until then take care of yourselves and live happy lives.
your filipino friend
Pablo Ignacio R. Lim
Tuesday, August 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment